Saturday, January 24, 2009

Ang Iyong Kalungkutan (ni Mark Angeles)


Ang iyong kalungkuta'y
umaagos saking katauhan
tulad ng isang malinaw na tubig
humuhugas sa batong apog
nangingisap na itim
sa iyong mga mata.

Pinagmasdan kita.



Piliin mo mang iwan
ang mala-paraisong ilog
na bilad sa lamyos ng buwan
ay hayaan akong maging kwerdas
na sabay mong yuyukod

sa talon na pinananabikan.

No comments:

Post a Comment