Wednesday, September 23, 2009

umaga, tanghali, gabi.

umaga.
mamumulat ang mga mata
sa alaala ng gabing nakalipas,

tanghali.
maghihintay ng tawag na hindi darating,
mapapatingin sa pintong walang magbubukas.

gabi.
muling lulunurin ang puso
ng mga luhang hindi naman maiiyak.

debelop

sa bawat hindi pagsabi, na pinapakita naman ng bawat pagkilos; sa bawat tamis ng ngiti at sulyap ng mga mata,

ay ang patuloy na pagkahulog ng mga puso sa banging walang kasiguruhan ang lalim.