Thursday, March 12, 2009

Ayoko Nang Managinip

ayoko nang managinip
lalo pa’t alam kong
hindi naman mangyayari
at sa aking paggising,
maguguluhan lang ang isip ko,
mapupuno ng mga sana
at kung ano nga ba ang totoo.


ayoko nang managinip
sapagkat maaaring naisin ko
na manatili na lang doon
at huwag nang harapin
ang mapait na buhay sa mundo.

No comments:

Post a Comment