Showing posts with label umaga. Show all posts
Showing posts with label umaga. Show all posts

Wednesday, September 23, 2009

umaga, tanghali, gabi.

umaga.
mamumulat ang mga mata
sa alaala ng gabing nakalipas,

tanghali.
maghihintay ng tawag na hindi darating,
mapapatingin sa pintong walang magbubukas.

gabi.
muling lulunurin ang puso
ng mga luhang hindi naman maiiyak.