Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Mag-scribble-skribulan halimbawa: “Ang gabi ay pilantod
at nangangalantutay, bugbog-sarado, ang mga bituin sa malayo.
Paruo’t parito ang hangin at ngumangawang parang baka.”
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Labs ko sya, at minsan daw labs nya rin ako.
Sa mga gabing tulad nito, nilalamas ko sya sa aking kandungan.
Nilalaplap ko sya sa silong ng marvelous na kalangitan.
Labs nya ko, at minsan labs ko rin sya.
Pa’nong di ko mamahalin ang malalaki’t bilugan nyang mga mata —parang pugita?
Kaya kong magbitiw ng bitter words ngayong gabi.
Imagine kong wala sya sakin. Ma-feel kong na-lost ko na sya
Mapakinggan ko ang gabing OA, mas lalong OA dahil wala sya.
At ang talinhaga ay dumidila sa malay tulad ng hamog sa talahib.
Ano pa bang meron dyan, Ineng, kung hindi sya mapapasaakin?
Period. Sa malayo, may ngumangawa. Sa malayo.
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.
At para bagang nandyan lang sya sa tabi-tabi, hinahanap ko pa sya.
Hinahanap sya ng puso ko, kapag wala sya sa tabi ko.
Ang gabi ring ito’y nagkukulapol ng dirty white sa mga troso.
Hindi na kami ang dating kaming kami.
Hindi ko na sya labs, pramis, pero labs na labs ko sya dati.
Hinahagilap ng hininga ko ang hangin para bugahan sya.
Nilalaplap na sya ng iba, tulad ng paglaplap ko sa kanya.
Ang boses nya, ang seksi nyang wankata, ang for layp nyang mga mata.
Hindi ko na sya labs, pramis, pero medyo labidabs ko pa rin sya.
Maigsi lang ang lablayp ko pero ang makalimot
sangkatutak na 50 golden years ang inaabot.
Dahil sa mga gabing ganito nilalamas ko sya sa aking kandungan.
Aburido ang multo ko sa pagkawala nya.
Kahit ito na ang last chance ko para magmaasim at ito na rin ang huling chuminess ko sa kanya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment